Mas matindi dapat ang Thailand kumpara sa Pilipinas kung ice hockey ang pag-uusapan.

Pero sa 29th SEAG Huwebes ng gabi, pinabagsak ng bulinggit na Filipinos ang higanteng Thais 5-4 para sikwatin ang ice hockey gold medal sa Empire City Arena sa Damsara Perdana, Malaysia.

“Thailand could not be beaten, but we did it!” sigaw ni PHL national men’s ice hockey team manager Petronilo Tigaronita.

Ngayon lang nag-debut ang sport sa SEAG.

“They (Thais) were supposed to be the better team,” dagdag ni Tigaronita.

Biyernes ay nag-iimpake na pabalik ng Pilipinas ang Nationals.

Parehong walang talo sa tatlong laro bago ang final, pukpukan sa three quarters ang PHL at Thailand. Lamang ang Filipinos 5-3 sa final 5 minutes bago umiskor ng isa ang Thais.

“The team and coach (Daniel Brodan) really played it smart by playing the clock and dumping the puck,” lahad ng team manager. “More on the defensive kami.”

Si forward Nico Cadiz ang umiskor ng winning goal, si Fil-Swiss goalkeeper Gianpeitro Iseppi ang nagsawata sa bawat tira ng Thais. Nasa 40 shots ang na-save ni Iseppi sa laro.