Dahil sa pagtutok ng U-OFW sa hinaing ng mga kababayan nating OFW, ang recruitment agency na nasa likod ng pagpunta sa Jordan ng OFW na si Roxsan Tapay ang natinag at nakikipag-ugnayan na ngayon sa nagpapasaklolong OFW upang matugunan ang kahilingang ma-repatriate pero hirap pa itong matunton.
Sa pamamagitan ng U-OFW na pinamumunuan ni G. John Leonard Monterona ay nakipag-ugnayan ang counterpart agency sa Pilipinas na Victoria Services Inc. partikular si Ms. Michelle A. Samtani na nagpadala kay Tapay sa Jordan sa Al-Waseet Recruitment Agency sa Jordan upang alamin ang ilang impormasyong may kaugnayan kay Tapay.
Kaya naman nakipag-ugnayan ang U-OFW sa BayaniKa para sa mas mabilis na pagtunton kay Tapay at magkaroon na ng katuparan sa lalong madaling panahon ang pagnanais nitong makauwi ng Pilipinas.
Iginiit ni G. Monterona sa Victoria Services, Inc., na dapat itong makipag-ugnayan sa counterpart recruitment agency na Al-Waseet Recruitment Agency sa Jordan para tuntunin ang kinaroroonan ni Tapay. Narito ang liham ng Victoria sa Al-Waseet:
Dear Sir Leonard,
Good day! Please see attached reply email coming from our Labat Officer Ms. Florenda Herrera based in Jordan. She also cannot contact the numbers provided in the letter we received. So, until now we do not have any lead regarding the case of this OFW, Ms. Roxsan Tapay. How can we be able to send her repatriation ticket, if we do not have any updates or information about her.
Please do let us know if you have updates about the said OFW. You may contact us directly thru our landline number 02-2395834.
Thank you and waiting for your immediate response on this.
Best Regards
Ms. Michelle A. Samtani
Victoria Services Inc.
***
Abot-kamay na ang kagustuhang makabalik ng bansa ni Tapay pero hindi ito magiging madali kung walang inisyatibong gagawin ang mga opisyal ng ating embahada sa Jordan. Kaya sa pamamagitan ng BayaniKa ay nananawagan tayo sa POLO-OWWA JORDAN, OWWA RAD, POEA REPATRIATION UNIT, OFFICE OF THE POEA ADMINISTRATOR na kumilos para sa mas mabilis na paghahanap sa kinaroroonan o impormasyon patungkol kay Tapay dahil sa inyong kapasidad na tugunan ang kahilingan ng ating mga kababayang nagigipit sa ibayong bansa. Marami pong salamat.