May Greg o wala astig ang Ginebra

Naniniwala si San Miguel sports director Alfrancis Chua na nasa maayos na kalagayan ang Ginebra kahit wala pa ang top big man na si Greg Slaughter.

Sa PBA Media Day, sinabi ni Chua na kaya ng Ginebra masungkit ang kampeonato sa 2020 PBA Philippine Cup kahit pa nabawasan ng armas.

“Alam mo, adjustments lang iyan,” ayon kay Chua. “You know, dati noong na-injured din siya, they won a championship without him.”

“Tapos, nag-champion naman with him. Kaya nang dinedicate ko sa kanya iyon, kasi nakatikim na siya ng champion,” aniya pa.

“So I think Ginebra is ready because we won a championship with him and without him.”

Sa ngayon ay may bago na umanong offer ang Ginebra kay Slaughter subalit hindi pa nagkakasundo ang magkabilang panig sa naturang kontrata.

Hitik pa rin sa big man ang Ginebra sa presensya ni Prince Caperal at rookie big man Arvin Tolentino. (Ray Mark Patriarca)