May hatid na swerte ang tamang pagmamahalan

Jericho Rosales at Bela Padilla

ANG diva that you love, kasama ang ilang entertainment press at bloggers, pinanood ang pelikulang Luck At First Sight in advance sa My Platinum Cinema sa Gateway.

Slow burning, slow moving, beautifully photographed ang kwento tungkol sa sugarol na si Joma (Jericho Rosales) na nanalig sa mga pampaswerte.

Pakiwari niya, si Dianne (Bela Padilla) ang may hatid na suwerte at ang kanyang magic holen.

Para tuluy-tuloy ang swerte, dapat ang nagmamay-ari sa ­magic holen, hindi pwedeng magmahal o mahalin ang pampaswerte niyang nilalang.

Kung paano inilahad ang tunggalian between luck and love, ‘yun ang kaabang-abang.

What I like best in most of Dan Villegas’ movies, pinapaarte niya ang mga artista niya in their purest and most natural state.

Tanggal ang mga melodramatic excesses na kinagawian of most actors na laging ang vehicle to show na mahusay sila sa pag-ngalngal at sa mga eksenang nagsusumigaw at galit na galit ang kanilang mga karakter.

Bilang Joma, you will either love or hate ang sugarol na ito who pushes his luck para makuha muli ang ancestral house niya at mapa-restore ito.

Guapo, may biloy, Pinoy na Pinoy ang ­kulay, fashionable si Joma at sa pagbibigay-buhay ni ­Rosales, hindi ka na magtataka na umiikot ang buhay nito sa sugal.

With his puppy dog eyes at every time he ­reveals a slice of his heart, gugustuhin mo agad siyang yakapin, ala­gaan, bigyan ng infinite chances at mahalin.

Si Bela, bilang ­Dianne, is all sugar and spice and all that is nice, a little naive pero bongga ang emotional conviction at resolve niya to give her ailing father a chance to prolong his life at pasiglahin ang botika nilang aandap-andap ang buhay.

***

May ­tatlong scenes si Bela sa pelikula na hindi ko makakalimutan.

‘Yung naputol na ang kuryente nila, matapang pa kunyari pero kita mong teary eyed na ito.

Nu’ng pinipigilan niya si Joma na huwag ­ituloy ang paglalaro hanggang sa matalo sila na umabot sa pag-amin kung ano ba ang nangyayari kaya ­luhaan na sila.

At ‘yung pag-uwi niya sa bahay, wala kang maririnig na ­kahit na anong sound pero makikita at madadama mo ang hinagpis niya dahil sa isang pagkawala.

***

Kay Rosales, ang best scenes niya, ‘yung ­accidentally silang nagka­banggaan ni Dianne sa kalye at napagtanto niyang she might be the one at naging stalker siya nito.

‘Yung mga eksenang akala mo talagang takot na takot siya at walang ilalaban sa shark ­loaner niya, at ‘yung scene na alam mong it’s all or nothing sa buhay niya dahil sa maling desisyon.

When you watch Luck at First Sight, it will remind you so much of all the Korean romantic dramas na napanood mo na simple, straightforward, walang masya­dong hysteria, parang hindi ­kapani-paniwala ang mga pangyayari pero deadma ka, enjoy na ­enjoy ka lang sa ride.

Kasi masaya, malungkot, may sakit, may luha, at sa bandang huli, mapagtatanto mo na love and loving is a choice.

At oo, may hatid na swerte ang tamang pagmamahalan para sa lahat.