Naniniwala tayo na dapat pairalin lagi ang hakbang para sa crime prevention. Mas mainam kung hangga’t maaga ay naiwasang mangyari ang krimen at kaguluhan kaysa pagtugis sa mga kriminal kung may nabiktima na sila.
Maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan na maaring humantong sa kaguluhan, pananakit at pagpatay kung may maayos na pag-uusap.
Sa gitna ng gulo at bakbakan sa Marawi at sa Mindanao sa pagitan ng gobyerno at ilang mga Muslim faction, dito naman sa Quezon City, ang patuloy na dialogue para sa mapayapa at maunlad na napakalaking Muslim community ang pinapalakad ni QCPD Director Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar.
Sa ilalim ng liderato ni Eleazar, nawala ang talamak na drug pushers sa Muslim Community ng Barangay Culiat sa ikinasasaya naman ng libo libong residente ng nasabing lugar.
Ang patuloy na dayalogo ay hindi lamang tungkol sa droga, kundi sa ikauunlad naman ngayon ng barangay. Ipinapakita ni Eleazar na hindi lang police matters at peace and order ang expertise nito. Total community management ang pinapakita ni Eleazar sa mga ganitong hakbangin.
May ginanap na dialogue sa pagitan ng Muslim at PNP members at ilang community leaders na ninirahan sa Salaam compound ng Brgy. Culliat, Quezon City, noong Agosto 2, 2017. Idinaos ito sa QCPD conference room in Camp Karingal, Quezon City.
Ang inisyatibo ay mula sa Talipapa Police Station (PS-3) sa pamumuno ni P/Supt. Danilo Mendoza. Dinaluhan ni PSSupt Bartolome Bustamante, Deputy District Director for Operations (DDDO), kasama ang Police Station-3 Commander, si Kapitan Victor Bernardo ng Brgy. Culliat, Sultan Haji Nur Hassan, Chairman, Salam Compound, Ameerah Ibrahim, ang Muslim na Barangay Kagawad of Brgy. Culiat.
Kasama rin ang PNP members na residente ng Salaam compound, community at tribal leaders at maging ang Salaam Compound peace and order volunteers.
Sa mensahe ni P/CSupt Eleazar, sinabi niyang “Itong pagtatagpo tagpo ng mga PNP members na naninirahan sa Salaam compound even though you are assigned elsewhere in the Philippines, gusto naming iharness lahat ng pwedeng gamitin upang magkatulong-tulong dito. Kayo mismo na nakatirang mga pulis ay ibig naming bigyan ng dagdag na responsabilidad na alam kong tatangapin ninyo at gagawin ninyong personal dahil yon ay para sa inyo at para sa inyong pamilya at sa susunod na generation sa Salaam compound.”
Kanyang pinasalamatan ang Muslim group at PNP members na nagpakita ng matinding suporta para maging drug free ang Salam compound.
“Sa atin dumaan din tayo sa matinding challenge sa ating kapulisan, marami sa mga kasamahan natin ang naligaw ng landas, in fact nakita natin sa ating kampanya natin against illegal drugs, nakita natin na only this administration nagkaroon tayo ng pagkakataon na magkaroon ng tamang pagbabago.” ayon pa kay Eleazar.