Sumablay ang Dallas Mavericks sa playoffs nang lumagak lang sa ika-14 na puwesto sa Western Conference ng 73rd National Basketball Association 2018-19.

Sa pagbubukas ng ika-74 na edisyon ng US major cage league, walang ibang nais ang DM kundi ang ang makabangon sa pagkalugmok na iyon lalo si Luka Doncic, ang naging Rookie of the Year.

Paninindigan at papakitang gilas muli ang 20-anyos na power forward na may average na 21.2 points, 6 assists, at 7.8 rebounds upang mapabilang sa best power forward sa liga, ma­ging magara rin ang sophomore year.

Kung ikukumpara kay Ben Simmons, taglay ni Luka ang pagiging all-around player bukod pa sa pagiging maangas pagdating sa shooting na may 32.7% clip at may average 16.5 attempts per game na maikokonsiderang leading scorer sa Dallas.

Mintis man si Jalen Brunson sa best rookie­ 2018-19 season, ito na ang pagkakataong makapagpakita siya sa ikalawang taon din. Kamador din si Brunson patunay ng 52.3% shooting sa 2 points at 34.8% sa 3 points sa 22-minutong playing time na ipinauubaya sa kanya.

Pambangga rin ng Mavericks si Tim Hardaway Jr. lalo na’t ‘good to go’ na ulit ito mula sa left tibia injury sa nakaraang kumperensiya.

Ngayong healthy na ulit siya’y asahan ang kapana-panabik niyang pagbabalik at siguradong lalampasan pa ang dating 15-18 points kada laro.

‘Di rin padadaig si NBA All-Star Kristaps Por­zingis na bangko sa entire season dahil naghilom narin ngayon ang knee injury.

Garantisadong mainit ang kanyang pagbabalik-hardcourt lalo na’t maabilidad ito pagdating sa shooting kung saan isa siya sa mga high-scorer ng liga bukod pa sa taglay na tangkad na 7’3’’. ­(Aivan Episcope)