Sinuklian ng OFWs ang pangako sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte na gagawin silang no.1 priority ng kanyang labor agenda nang ibigay nila sa kanya ang no.1 spot sa overseas absentee voting (OAV).
Kahit na maraming non-OFWs ang nagpartisipa sa OAV, OFW Power, ‘ika nga, ang kumarga kay Pangulong Duterte upang manguna sa OAV and by a wide margin. In all, nakakuha ng 16 million votes ang Presidente sa loob at labas ng bansa.
Sa kanyang unang 100 araw sa Malakanyang, natupad ba naman ng Presidente ang kanyang mga pangako? Nakaramdam ba ang mga OFW ng pagbabago mula sa malamig na trato sa kanila ng Aquino administration?
Solusyon
In a way, masasabi na hindi nabigo ang OFW sector dahil agad nawala ang tanim-bala scam sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang paliparan sa bansa.
Kung ang problema ay hindi raw “problema ng gobyerno” ayon sa nakatapat ng Pangulo sa eleksyon, simple lang ang naging solusyon ng administrasyon sa isyu.
Eh mag-issue ba naman ang Pangulo ng warning na ipapakain sa mga airport personnel na masasangkot sa tanim-bala extort scam ang bala na itatanim nila sa mga pobreng pasahero ng eroplano. Hayun, wala nang tanim-bala.
Political will
Only shows na it takes political will for government to really be effective.
Maganda at maaliwalas na rin ang NAIA Terminal 1 na poles apart sa dating imahe nito na madilim at parang lungga ng daga.
Kahit papaano ay hindi na nakakahiya sa mga bisita nating dayuhan kung sa NAIA 1 lalapag ang eroplano nila. Remember, first impressions lasts.
One-Stop Shop
Noong August ay binuksan na rin sa POEA main office sa kanto ng Ortigas Avenue at EDSA ang OFW One-Stop Shop kasabay ng streamlining ng processing ng OFW docs.
Sa nasabing One-Stop Shop ay represented na ang lahat ng government agencies tulad ng NBI, DFA, OWWA, Philhealth, etc. na dati-rati ay isa-isang pinupuntahan ng OFWs at mga aplikante sa trabaho sa ibang bansa.
Nagkaroon din ng immediate financial at repatriation assistance sa mga stranded na OFWs sa Saudi Arabia at may marching order na rin ang mga kaalyadong mambabatas ng administrasyon para sa pagtatayo ng isang Department of OFWs.
Truly, change is here
Come follow Me On Twitter @beeslist and call 551-5163 or email usapang_ofw@yahoo.com for your comments.