Dear Atty. Claire,
Salamat sa mga free legal tips mo sa radyo at sa iyong YouTube channel.
Meron lang akong tanong regarding sa mga mangkukulam o mangbabarang na napapanood ko sa FB. Hindi ako naniniwala dito pero sa mga napapanood ko sa FB eh halos namamatay ang mga biktima ng mga mangkukulam.
Halimbawa nakita o napaamin ng isang manggagamot (ano ba tawag sa manggagamot sa mangkukulam…hindi ko exact alam…heheh) ano po ba ang tingin ng ating batas para rito? Puwede ba ipakulong itong mangkukulam o mangbabarang?
Gumagalang,
Arnel Macogay
Dear Mr. Arnel,
Naku Arnel ang ganyang mga sitwasyon mahirap patunayan sa korte. Although kinalakihan na natin ‘yan…kuwento ng lolo ng lolo natin pero sa panahon kasi ngayon ay hindi na ito pinaniniwalaan. Para na lamang itong folklore.
Sa kaso ng People v. Carmen Sario, G.R. Nos. L-20754 and L-20759 June 30, 1966, People v. Dario Sario, G.R. Nos. L-20755 and L-20758, June 30, 1966, People v. Asuncion Requiron, G.R. No. L-20756, June 30, 1966 at People v. Francisco Sario, G.R. No. L-20757, June 30, 1966 sinabi ng Supreme Court:
According to the lower court, to call another a “mangkukulam” or “witch” is not a malicious imputation because in this modern age nobody believes anymore in witches and witchcraft. The truth of this statement is open to question: the very declarations made by appellees, as alleged in the several information against them, attest to the contrary. In any event the imputed vice or defect need not be real or existing in order that the imputation may be punishable; and imaginary vice or defect is sufficient (Article 353, Revised Penal Code). And while belief in the existence of witches may have become passé nevertheless the terms “mangkukulam” and “witch” have accepted meanings from which it is clear that they are terms of derision, and for one to be so labelled is to be an object of contempt, even of odium.
Sa desisyon na ito ay pinapalagay ng Supreme Court na sa modernong panahon ay wala nang naniniwala sa mangkukulam o witchcraft.
Kaya sa tanong mo kung aakusahan ng isa na namatay ang isang tao ng mangkukulam sa pamamagitan ng witchcraft ay mahihirapan siyang patunayan iyan. Kung may CCTV na magpapakita ng buong pangyayari malamang baka paniwalaan.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922-0245 o 8514-2143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.
Please subscribe to Atty. Claire Castro YouTube channel and watch & share my videos.