May napapala sa research! Villar pahiya sa UP virus test kit

Nakatikim muli ng banat mula sa mga netizen si Senador Cynthia Villar na dating tinira ang Department of Agriculture (DA) dahil sa pagbibigay ng malaking research fund para sa National Corn Program.

Ito’y matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang COVID-19 test kit na ginawa ng mga local scientist mula sa University of the Philippines (UP) na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon sa FDA, bukod sa mura ay ligtas at epektibo ang mga ginawang test kit ng UP na dumaan sa pagsusuri ng kanilang tanggapan. Naniniwala ang ahensiya na makatutulong ito sa monitoring ng dumaraming bilang ng mga hinihinalang COVID-19 infected sa Pilipinas.

“when i see Cynthia Villar trending.. i know it’s about something stupid she does or says like how Tito Sotto trends,” sabi ni @curiouscatnip.

Rhea Jane, @janeygermia: “This is why we need funding for research universities. Gets mo na ba, Mareng Cynthia Villar?”

@Joannaaaabanana: “Sino nga ulit yung senador na ayaw sa research? Ah, si Cynthia Villar. Yes, the taxes of the people should go to HEALTH AND EDUCATION, not your propaganda.”

@hazeldominguez: “Dont underestimate all the researchers cynthia villar!!!”
millennial mom, @luvbrewedcoffee, “Product po yan ng research kung saan ang tingin nyo hindi importante.”

Maging si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson ay nag-tweet na lagyan ng pondo ang research and development sa bansa kasunod ng locally made test kit.
“This is what I meant by investing more on R&D instead of a mere 0.39% share in the country’s national budget year in, year out,” ayon kay Lacson.

Aniya pa, nasasayang lang ang mga scientist kung hindi bibigyan ng halaga ang research and development sa bansa, at tila nagpatama pa ito sa ibang opisyal ng gobyerno na mas gustong kumuha ng supply sa ibang resources.

“We’re wasting our homegrown scientists by not supporting them adequately. What we have here are shopaholics, aka supplier friendly govt officials,” sabi ni Lacson.

Matatandaang binatikos dati si Villar dahil sa pahayag nito hinggil sa paglalaan ng malaking pondo para sa research.

“Baliw na baliw kayo sa research. Aanhin niyo ba ‘yung research? Ako matalino akong tao pero hindi ko maintindihan ‘yung research n’yo, lalo na ‘yung farmer,” pahayag ni ­Villar sa pagdinig ng Senado sa panukalang budget para sa DA noong Oktubre 9, 2019. (Ray Mark ­Patriarca)