May pa-puwet Julie Anne nagrebelde kay Benjamin

Marami ang ginulat ni ­Julie Anne San Jose sa kanyang bikini photos sa kanyang Instagram account.

Kuha ito sa bakasyon niya sa Dakak beach. Mas sumeksi pa nga raw ito nu’ng makipag-break.

May pose siyang pa-puwet at meron ding pasilip ng legs.

Hindi kaya manghina­yang ang ex ni Julie Anne na si Benjamin Alves ‘pag nakita ang seksing lara­wan ng pinakawalan niyang babae?

May netizen ding nag-react na hindi kaya nagrebelde si Julie Anne kay Benjamin sa mga photo niyang ito?

May nag-comment nga ng “Nagmahal, nasaktan, sumeksi.”

Deklara nga ng Asia’s Pop Sweetheart: “Minsan lang Vaks wala na to sa summer char! Hahahaha!”