Nagkasunud-sunod na ang batikos kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa ilang kontrobersiyal nitong mga naging pahayag­ sa ilan nitong talumpati.

Pinakahuling isyu ay ang pagkukumpara umano­ ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang sarili kay Adolf Hitler na binanggit niya sa wikang Inggles sa isa nitong talumpati sa Davao City noong isang Linggo.

Dahil sa nasabing katagang binitiwan ng Pangulong Duterte na ang pinakamensahe lamang talaga kung lilimiing mabuti ay ang negatibong pagkukumpar­a sa akusasyong inaabot ng Pangulo­ sa kanyang kampanya­ kontra iligal na droga at sa ginawa ni Hitler.

Sa mga hindi nag-iisip­ ng malisya sa sinabi ng Pangulo ang nais lamang nitong ipahayag ay nang-murder si Hitler ng 3 mil­yong inosenteng sibilyan kung ikukumpara sa kanya­ (Duterte) na handang pumatay ng tatlong milyong kriminal na drug dealers para isalba ang mga susunod pang henerasyon gayundin ang ating bansa.

Magkaibang-magkaiba ang ipinapakalat na interpretasyon ng ilan sa nilalaman ng mensahe ni Pangulong Duterte na panggagagaya­ nito kay Hitler sa tunay na mensaheng nais ipa­rating ng Pangulo sa taumbayan.

Pero ang tanong bakit ba umabot sa ganito kainit ang isyung ito? Bakit hindi agad nilinaw ng mga taga­pagsalita ng Palasyo ang ginawang kontrobersyal na isyu na kung tutuusin ay madaling intindihin kung alam mo ang magandang hangarin para sa bansa­ ni Pangulong Duterte at hindi mo lalagyan ng malisya.

Ayaw nating manisi ng mga tumatayong communications group ni PDu30 partikular si Presidential Communications Office (PCO)Secretary Martin Andanar pero kung naging maagap siya sa pagpapaliwanag sa nilalaman ng mensahe ng Pangulo ay hindi na ito pinagpiyestahan ng media at lalo ng kanyang kritiko.

Hindi natin minamaliit ang kakayahan ni Andanar­ pero iyan ang katotohanan, marami pang dapat matu­tunan ang opisyal para­ maging­ epektibong pinun­o ng PCO na alam naman n­ating handa niyang harapin para sa ikaaayos ng takbo ng pamamahala ni Pangulong Digong.

Bukod dito, mas mabut­i sigurong si Sec. Andana­r na lamang ang maging opisyal na tagapagsalita ng Pangulo­ upang hindi na ­nalilito ang media sa paghingi ng paglilinaw o reaksyon sa ilang mahahalagang isyu na may kaugnayan sa mga sinasabi ng Pangulo at mismong tungkol sa Pangulo.

Well, ilang buwan pa lamang naman ang Duterte team sa Palasyo at nais pa rin natin silang bigyan ng tsansang makabawi, ang kailangan lamang ay ma­ging bukas ang kanilang mata, at tenga sa mga payo at kritisismo para maitama ang mga napupunang salto dahil kaawa-awa naman si Pangulong Duterte na napakalinis ng hangarin para sa ating bayan pero pilit na binibigyang-kulay ng kanyang mga kritiko.

One Response

  1. Mabuti ka pa at malinaw ang pagkakaintindi mo at malawak di tulad ng ibang media word for word literal ang inaabangang lalabas sa mensahe ng pangulo.