Taong 1985 nang pumasok ang kinabibilangan kong kompanyang Pilipinas Shell sa PBA, sa pamamagitan ng pagbili sa prankisa ng Crispa Redmanizers, at nagtagal ang team ng 20 taon.

 

Noong 1986, inimbita ng Shell ang Alaska Milk para sumali sa PBA, at hanggang sa kasalukuyan, ito ay isa sa mga aktibong miyembro pa rin. Hindi lang aktibo, isa sa pinakamaraming kampeonato na nasungkit, kasama ng isang grand slam noong 1996.

 

Ang dahilan sa magandang takbo ng kanilang koponan ay ang pag-manage ni team owner Wilfred Uytensu, Jr., na sa aking­ pagkakilala ay isang napakatinong executive owner na walang bahid ng pandaraya, panloloko o paggagan­tso sa kaniyang mga manlalaro.  Nandun ang integridad sa lahat ng mga desisyon niya para sa kanyang koponan.

 

Noon isang lingo, si Mr. Uytengsu ay binigyan ng Lifetime Achievement Award sa ng PBA Press Corps, dahil sa kanyang napagandang paghawak ng kanyang koponan.

 

Sa kanyang talum­pati pagkatanggap sa parangal, sinabi ni Mr. Uytengsu na “he always played by the rules” kahit na alam niya na ang ibang koponan sa PBA ay hindi naglalaro ng patas, o at the same level playing field.”

 

Alam naman natin ang mga ibang koponan, gusto manalo at all costs. Ang basa ko nito ay sinasabi ni Wilfred na ang ibang koponan sa PBA ay may mga ‘under the table’ na suweldo sa magagaling na player para makaiwas sa salary cap rule.   Nakakapagtaka nga na minsan, ang magagaling na player na number one sa draft, ay biglang nalilipat sa malakas na koponan, katulad noong nangyari kay Christian Standhardinger. Marami nagsasabi na baka may cash na involved sa pag -trade ng players na magagaling.

 

Ang gustong ipara­ting ni Mr. Uytengsu ay may rules ang PBA at dapat sundin ng lahat. Walang hanky panky, walang under the table. Ang trabaho ng Commissioner ay dapat tiyakin ang equal  team strength. Hindi napakalakas ng isa, napakahina naman ng isa. Kaya, ‘pag naglaban ang dalawang mahinang koponan, wala masyadong manonood.

 

Sang ayon ako sa sinabi ni Mr. Uytengsu, Jr.