Hanggang hindi umano tumitigil sa pakikisangkot sa kalakaran ng ilegal na droga pihadong may susunod pang insidente kagaya ng sinapit ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at mga kamag-anak nito.
Ito ang mariing babala ni Pangulong Rodrigo Duterte saka pinaalala sa publiko na dati na niyang ipinatawag ang mga mayor sa buong bansa at binalaan na huwag na huwag makikisawsaw sa ilegal na droga.
“I will make it public. One time, I called for all of them. Sa kanila… Hindi ko kayo niyaya. I barred the media. Three batches. Sinabi ko talaga sa kanila, do not do it. Do not do it because my order is to destroy the organizations. Hindi naman ito na basta you pick one enemy at a time. You are up against an organization. Parojinog has been there and you can ask the ordinary citizen of Ozamiz. Tanungin mo sila kung ilan ang pulis namatay doon na hindi sumunod. They were running the city as if it was a feudal state of the family,” paghahayag ni Duterte sa panayam ng media matapos itong magtalumpati sa ika-113 founding anniversary ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City kahapon.
Hindi naman umano nagkulang ng paalala ang Pangulo dahil paulit-ulit ang kanyang apela sa lahat na tigilan at lubayan ang bawal na gamot dahil talagang mainit siya pagdating sa usapin na ito.
“Kaya sinabi ko, huwag ninyong gawain ‘yan. Eh ‘pag hindi ninyo sinunod — Sasabihin, bakit namatay? I said my order, hindi itong droga. It’s all over every day, may nahuhuli. It is really run by organizations…and so my order to the military and the police and rightly so, to destroy the organization, both the supplier, the users and everybody connected with the organization because they keep alive the trade. Sabi ko, dito ayaw kong mapahiya. I declared war against drugs. Huwag mo akong hiyain kasi hindi ako nakakatanggap ng kahiyaan,” pagdidiin ni Duterte.
Nang tanungin naman ang Pangulo kung kailan ulit may matutumba na mayor, ganito ang tugon ni Duterte, “depende na lang sa intriga mo kung saan ang mas marami.”
Muli ring binigyang-diin ng Pangulo na ginagampanan lamang ng mga pulis at militar ang kanilang trabaho kaya para sa mga nagsasabing overkill at masyadong OA (overacting) ang ginawang operasyon laban sa mga Parojinog ay ganito ang tugon ng Pangulo.
Ilan Police na ang namatay sa Ozamis?? I am just wondering the pinas police force is integrated National Police and the national police leaders does not know and not doing anything about this?
Choppy ka Brad ayusin mo. Jaka mawatan!!!!
Choppy rin request mo