May totoo pa ring kaibigan

Inabot ako ng alas-12:00 ng hatinggabi sa aming opisina sa Makati nitong Linggo sa paghahagilap ng guest para sa Abante News Online Sportalakan nina kasamang bes Sarah Jireh Asido at Alec Paolo Ventocilla.

Sa daan-daan kong mga naging teammate sa Direct Link Running Club, Inc.

noon at sa Runners Link na ngayon, hiwalay pa ang mga kaibigang marathoner, runner, sports official, athlete, event organizer, at iba nahirapan pa rin akong makakuha ng magiging bisita sa nasabing weekly Abante Web TV show.

Kabilang sa mga kinalampag ko ng gabi ng Linggo hanggang Lunes ng umaga, Agosto-18-19 sina BGC-based Wednesday Group of Runners founder-coach Merlyn ‘Mherlz’ Lumagbas, mag-iinang champion triathlete, mga taga-Cuenca, Batangas na sina Dianne, Aidan at Athena Lunar Bagas.

Sa PM ng FB ko lang sila kinokontak, ang ilan pang iba na ‘di ko na sinama po rito dahil sa dami’y sa mobile ko naman sa tawag at sa teks.

Kasama sa PM ko na kinontak si RFM Corporation accounting supervisor Teresa ‘Tisha’ D. Generoso, 46, ng Makati City na dati kong kasama sa DLRCI at sa RL.

Kahit isang mayamang tao ang may isang supling na anak at ang kabiyak ay may mataas ding katungkulan sa kompanya ni Jose Ma. ‘Joey’ Concepcion III, nananatiling mapagkumbaba at mabait talaga si Tisha.

Biruin ninyo sa maigsing usapan at paliwanagan namin at maski alanganin, napaunlakan pa rin niya ang aking imbitasyon sa kanya na maging panauhin sa Sportalakan.

Noon pa naman kahit humigit-kumulang na isang dekada na ‘di kami nagkita, mabait na siya.

Kaya mula sa kaibuturan ng aking puso, labis ang pasasalamat ko sa iyo Tisha. Saludo pa rin ako sa kabaitan mo. May masasabi pa rin talagang mga totoong tao, totoong kaibigan.

Panoorin po ninyo si veteran internationalist marathoner Ms. Tisha mamayang alas-7:00 ng gabi sa aming Abante News Online na Sportala­kan at sa Abante TONITE Lodi Atletiko sa lalong madaling panahon.

Kung nais po ninyong magkomento o itanong, mag-email lang po sa ramilcruz2003@gmail.com, ramilcruz2003@yahoo.com, o viber sa @ramilcruz2003. Hanggang sa susunod pong Martes.
Maraming salamat po at God bless us all!