Mayabang na comedian, SUMINGIT SA PILA!

COMEDIAN, yumabang nang bonggang-bongga! Ang ere, mas mataas pa sa mga totoong sikat!

Trying hard ang comedy niya. Madalas na papansin siya sa madlang pipol.

Nadikit siya sa isang sikat na actor. Kung maka-feeling si kuya, tie sila sa kasikatan.

Kapansin-pansin din ang pagiging sipsip niya. Kung makaasta, akala mo eh siya ang may hawak ng buhay ni sikat na actor.

Ang daming naa­sar kay comedian. Pahirap na ito sa show nila.
Samantalang si actor, kalma lang.

Si chakang komedyante, mayabang. Ang dami pang arte at request.
Pati ulam, inaalam niya. Ginagamit pa si actor sa mga hanash niya.

Sa mga chika­han at inuman, iniyayabang ni kuya na super-duper close siya kay actor na pati mga lihim nito, knows niya.

‘Yung dating hot actor na friendship niya ay dinedma na niya dahil pa-La Ocean Deep na ito.
Kaya kinarir niya na kaibiganin si actor na sikat.

Sa isang grocery, namataan si ko­medyante. Kahit paano, may nakaka­kilala sa kanya.
Pero dedma siya pag tinatawag ang name niya. Kahit ngiting-aso o kaway-kaway pag may time, waaaah niya feel.

Dahil friend niya ang sikat na actor, baka puro tanong na lang kay gwapong actor ang itatanong nila at hindi siya pansinin na mas magaling siya sa iniidolo nila.

Kaya bago siya maba­nas, napilitan siyang magbayad na sa mga nakuha niya sa grocery.
Nagmamadali ito at umuna sa pila kahit alam niyang nagagalit ang mga nasingitan niya.

Iwas na iwas siya sa nga gustong makipagchikahan sa kanya dahil puro tungkol kay sikat na actor ang itinatanong sa kanya.

Naasar din siya dahil ‘yung mga lumapit sa kanya ay hindi knows ang name niya!