Hindi papayag ang mga senador na makinabang sa ipatutupad na libreng tuition sa mga state universities and colleges (SUCs) ang mga mayayaman at mga bulakbol.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, kanilang tututukan ang implementasyon ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ang ilalabas na implementing rules and regulations (IRR) ng Commission on Higher Education (CHED).
“Kailangan malinaw sa IRR na mga deserving students lang kasi kung gagastusan ng pamahalaan ang bulakbulero at bulakbulera at bobong estudyante ‘di dapat siguro ‘yan. ‘Yan dapat mahihirap at deserving na estudyante,” wika ni Lacson.
Giit ng senador, hindi lahat ng nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs), local universities and colleges (LUCs) at vocational-technical schools ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay malilibre sa pagbabayad ng tuition dahil sasalain ang dapat makikinabang sa batas.
“Dapat salain din, otherwise napakalaking pondo (ang) kailangan natin. Itong paulit-ulit, nakaka-5 taon na nasa 1st year college pa rin, ‘di tayo papayag noon ‘di ba?” katuwiran ni Lacson sa isang programa sa himpilang DZBB.
Maging ang mga mayayaman na nag-aaral sa SUCs tulad ng University of the Philippines (UP), ayon pa kay Lacson, ay hindi dapat masakop ng libreng tuition dahil kaya namang gastusan ng kanilang magulang ang pag-aaral ng mga ito.
Sa Kamara, umapela si Albay Rep. Edcel Lagman sa mga estudyanteng may kakayahan naman ang mga magulang na mapag-aral na huwag nang makipag-agawan sa libreng edukasyon.
“Students who come from families who could afford to pay tuition fees must be encouraged to opt out in order to reduce the total amount needed,” ani Lagman dahil sa pagtataya ng mga militanteng grupo, aabot ng P34 billion hanggang P35 billion ang kailangang pondo.
Hindi lingid sa kaalaman ng marami na lumilipat sa mga public schools ang mga estudyante sa private schools kapag nagtataas ng tuition ang kanilang eskwelahan kahit may kakayahan ang kanilang mga magulang.
Sang-ayon ako sa opinion ni Sen. Ping Lacson na huwag sayangin ang perang galing sa buwis ng mga mamamayan sa mga bulakbulero at bulakbolerang estudyante, at ganun din sa mga bobo. Ang pagpapaaral nang libre sa mga estudyante ay parang isang negosyo na hindi natin pupuhunanan nang pupuhunanan kung palaging lugi o alam na natin na malulugi. Meron ding magandang katuwiran ang senador na huwag nang isali sa libreng matrikula ang mga estudyante na nagmula sa mayayamang pamilya. Kung sila’y isasama magiging kaagaw pa sila ng mga estudyante na galing sa mga mahihirap na pamilya.
Ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at inilunsad at naging batas para matulungan ang mga mahihirap na makaahon sa kanilang kahirapan, at tuloy hindi na maging pasanin ng gobierno at bagkus ay makakatulong pa sa gobierno sa pagpapaunlad ng bansa.
bolakboleros are definitely no room for the SUCs…SUCs have certain standards that a student has to maintain…otherwise, look for another school…
“Kailangan malinaw sa IRR na mga deserving students lang kasi kung gagastusan ng pamahalaan ang bulakbulero at bulakbulera at bobong estudyante ‘di dapat siguro ‘yan. ‘Yan dapat mahihirap at deserving na estudyante,” wika ni Lacson
understandable na hindi dapat makinabang ang mga mayayaman at bulakbolero pero to say na dahil bobo ang isang estudyante ay MALI…
Hay sa wakas makakapag-aral na ang mga Retarded na Dutertards,magiging educated na sila dahil libre na ang pag-aaral..mabuhay mga Dutertards…
Dapat bawal din ang mga anak ng mga Politiko sa SUC’s…kaso majority ng Politicians children ay nasa UP. Dapat bawal din mag-rally laban sa Gobyerno ang mga nag-aaral sa SUC’s. Paaral ng Gobyerno then at the end e laban pala sa Gobyerno. Mga inggrato…dapat after graduation ay mag free civil service din sila for few years in return sa paaral sa kanila para makatulong naman sa iba.
EH DI BAWAL PALA KAMING MAKA-DUTERTE KSE MGA BULAKBOL ANG PAG-IISIP NAMIN
HEHEHEHEHEHEHE
bawal ang mga anak ng gobernador at mayor.
bawal ang mga anak ng mga congressman at senator
Dapat ilifestye check ang mga studyante na papasok sa SUCs
paano ninyo madedetect kung mayaman o makakapagbayad ang mga student na kayang pag aralin ng kanilang mga magulang