Although older si Maymay Entrata (22) by three years kay Edward Barber (19), hindi ito hadlang sa pagkagusto niya sa ka-love team.

Inamin ni Edward na ‘girlfriend material’ si Maymay pero ayaw nilang madaliin ang ­lahat dahil pareho umano ­silang naka-focus ngayon sa kanilang respective work and career. Pero hindi umano ito nanga­ngahulugan na hindi sila mahalaga­ sa isa’t isa. Ayaw ring makita ni Edward si ­Maymay na girlfriend ito ng ibang guy. Inamin­ din ni Maymay na bahagi na umano si Edward ng kanyang buhay kaya ayaw rin niyang mawala sa kanya pero ayaw umano nilang magmadali sa pagkakaroon ng romantic ­relationship. Pareho pa ­umano silang bata lalong-lalo na si Edward who is only 19. Si Maymay

naman ay naka-focus sa kanyang karera at ­pamilya ngayon. Alam umano ni Edward­ ang kanyang priorities sa ngayon.

Ang dalawa ay huling napanood sa “Hiwaga ng Kambat” ng “Wansapanataym Presents”.

Rayver bagong host ng ‘The Clash’

Matapos lumipat sa Kapamilya network ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na siyang kauna-unahang host ng reality singing competition ng GMA na “The Clash”, sina Rayver Cruz at ang Kapuso home-grown talent na si Julie Anne San Jose ang bagong napiling hosts ng “The Clash: Season 2.”

Tatayo namang journey hosts sina Ken Chan at Rita Daniela. Ang nasabing reality show ay nakatakdang magsimula sa buwang ito ng September.

Ang unang grand champion ng “The Clash” nu’ng isang taon ay si Golden Canedo. Siya’y ­regular na napapanood sa “Studio 7” program ng Kapuso network.

Ahwel Paz 7 taon na ang medical mission sa media

Admirable ang pagkakawang-gawa na ginagawa ng matagumpay na radio anchor-host ng DZMM na si Papa Ahwel Paz. Bukod sa pagtulong sa iba’t ibang charitable institutions ay ­ginagawa na niyang birthday treat ang kanyang annual I Love My Family Medical Mission for the Media. Ito ay sa pakikipagtulungan ng De los Santos Medical Center at iba pang ­doctor specialists na kanyang mga kaibigan.

Last August 25 pa ang 48th birthday ni Papa Ahwel pero nitong nakaraang linggo, September 1 niya ginawa ang kanyang 7th I Love My Family Medical Mission for the Media.

Napakalaking bagay ito sa mga ­taga-media na walang sariling health cards. Provided din ni Papa Ahwel ang libreng breakfast at lunch para sa lahat.

Mabuhay ka, Papa Ahwel!

Yam walang paki na tagasalo ni Erich

Nagpapasalamat si Yam Concepcion sa Dreamscape Entertainment ni Deo ­Endrinal na siya ang kinuhang replacement ni ­Erich Gonzales. Ito’y para sa reunion TV series ng ­magkasintahang Kim Chiu at Xian Lim, ang “Love thy Woman”.

Sariwa pa sa isipan ng mga manonood ang Jade Bartolome character ni Yam sa hit primetime TV ­series na “Halik”.

May movie ring ginagawa ngayon si Yam, ang horror-suspense-thriller na “Night Shift” na pinamamahalaan ni Yam Laranas.

(Aster Amoyo)