Istriktong ipatutupad sa Lungsod ng Maynila ang 1994 Anti-Littering Ordinance, ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada na nakiusap sa mga residente na tulungan siya na linisin ang lungsod.

“Ginagawa na namin ang aming parte. Nawa’y ang bawat Manilenyo ay tumulong din sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating lungsod,” ayon kay Estrada.

Naniniwala si Estrada na tamang disiplina lang ang kailangang gawin ng mga taga-lungsod partikular sa pagtatapon ng basura.

Samantala, sinabi naman ni Belle Borromeo, hepe ng Department of Public Services (DPS), sa anim na distrito ng lungsod ay ang District 3 ang itinuturing na pinakamarumi.

Kabilang dito ang Binondo, Quiapo, San Nicolas, at Sta. Cruz.

5 Responses

  1. Ayo after 22 yrs tsaka lang ipatutupad .Lalo na yun mga illegal settlers na nakatira sa mg ilog, yun ilog di na makita at puro plastic na basura at ginagawa pang kubeta. At 2

  2. Dapat sa buong Pilipinas Yang paghihigpit na yan.. tapon dito tapon doon grabeh !! pag bumara sa Kanal Yung mga pasura .. sila ang unang naninisi sa gobyerno.