Hindi pa lubos na naayos ang problema sa east service zone ng Manila Water and Sewerage System, toka naman nga­yon ng Maynilad Water Services Inc. na magpahirap sa mga tao.

“Maynilad’s worst water interruption to date,” sabi ni Don Reyes na nagpepetisyon nang parusahan ang Maynilad nu’ng Disyembre sa change.org.

Tatlong araw na kahapon hirap ang mga residente ng Las Piñas, Muntinlupa at Parañaque sa tubig. Buong Sabado at nitong nakaraang Linggo, walang tumulong ni patak sa kanilang gripo. At sandaling nagkatubig nung Lunes at nagising ang mga tao na wala pa ring tubig.

Kahapon, inanunsiyo ng Maynilad Water Servi­ces Inc. ng mga Consunji at ni Manny V. Pangilinan na tatagal pa hanggang Mayo 14 ang problema ng mga residente sa tubig.

Ang masama rito, pupuyatin pa ang mga tao para lang makaigib ng tubig. Sa ibang lugar, 1:00am to 5:00am sila bibigyan ng Maynilad ng tubig. Sa lugar ni Reyes sa Las Pinas, 1:00am to 3:00am lamang sila makakaigib ng tubig.

Sabi ng netizen na si Vangie Genove Alvarez, “This is serious & alar­ming!!!” (Eileen Mencias)