Galit na galit ang mga kustomer ng Maynilad Water Services Inc. na pinapatakbo ni Manny V. Pangilinan, lalo na sa mga nakatira Las Piñas, Muntinlupa, at Parañaque kung saan pang-anim na araw na ngayong Huwebes na wala silang suplay ng tubig.
Kung kailan kasi nagtaas ng singil ang Maynilad ay saka naman nawalan ng tubig ang ilang lugar sa mga nabanggit na lungsod. Ngayong Nobyembre lamang nagtaas ng singil ang Maynilad.
Base sa abiso ng Maynilad, pangit ang kalidad ng tubig na nanggagaling sa Laguna Lake na dinadala sa Putatan Water Treatment Plant kaya’t patuloy umano nilang mino-monitor ito para ma-adjust ang sistema at masulit ang limitadong suplay ng tubig.
Mawawala pa rin umano ang tubig na tatagal ng walong oras ang mga taga-Las Piñas at Parañaque ngayong Huwebes dahil may gagawing maintenance activity.
Gayunman, bukod sa Las Piñas at Parañaque, mawawalan din ng tubig sa Makati, Maynila at Pasay City ngayong araw pati na sa Bacoor at Imus sa probinsya ng Cavite dahil sa maintenance activity ng Maynilad.
Pero hindi sapat ang paliwanag ng Maynilad sa kanilang mga kostumer na halos isang linggo nang napeperwisyo.
Sabi ng netizen na si Chelle Jira Clavery: “gagong Maynilad ang lalakas niyong maningil, sagad sa bulok na serbisyo binibigay niyo. Di na kayo nahiya…”
Hirit naman ni Alain Chavez de Leon: “change niyo na lang yung title ng notification from EMERGENCY to EVERYDAY.”
“Emergency ba ‘yan? Everyday na,” sabi ni Beth Gilera Hayag.
Sabi ni Arthur Paolo Azares: “Malaki ang pagkakaiba ng emergency sa regular. Halos araw araw ata naka schedule na yang nawawalan ng tubig …hindi yan emergency, regular yan!”
“Gagong Maynilad ang lalakas niyong maningil, sagad sa bulok na serbisyo binibigay niyo. Di na kayo nahiya,” komento ng netizen na si Wenz Fancubila.
“Mga animal. Jusko, baby pa lang ako at nagkababy na ako hindi na natapos yang interruption niyo!” aniya pa.
Dagdag pa ni Amy Faith Jeresano Anastorsa, “Booset! Kelangan araw araw may water interruption?”