Inatasan ng Supreme Court (SC) ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Maynilad at Manila Water na bayaran ang mahigit sa P1.8 bilyong multa dahil sa mga paglabag nila sa Philippine Clean Water Act.
Nag-ugat ang kaso sa pagkabigo ng dalawang kompanya na maglagay ng sewage lines at sewage treatment facilities. Inatasan sila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magbayad ng P29.4 milyong multa para sa mga paglabag na mula Mayo 7 hanggang Setyembre 30, 2009 bukod pa sa P200 kada araw na multa kapag nabigong sumunod sa itinatakda ng batas para sa paglalagay ng sewage lines at sewage treatment facilities.
Umabot sa korte ang kaso hanggang sa nagdesisyon ang Court of Appeals (CA) pabor sa DENR. Pero umapela sa SC ang MWSS, Maynilad at Manila Water kung saan kinatigan din ng kataas-taasang hukuman ang desisyon ng CA.
“Please be informed upon verification of the consolidated cases of Maynilad Water Services Inc. vs. The Secretary of DENR, et al. GR Noz 202897, Manila Water Co. Inc. vs The Sec. of DENR et al, GR No. 206823, and Metropolitan Waterwprks and Sewerage System vs. The Pollution Adjudication Board, et al, GR No. 207969, I would like to confirm that the Supreme Court, through a decision penned by J. Ramon Paul L.
Hernando and with a vote of 14-0, denied the Petitions filed by the Petitioners and affirmed the Decisions of the Court of Appeals in CA GR SP Nos 13374, 112023, and 112041,” nakasaad sa SC ruling.
Napatunayan umano na may pananagutan ang mga petitioner dahil sa paglabag sa Section 8 (domestic se-wage collection, treatment and disposal) ng Philippine Clean Water Act kaya sila pinagmulta.
“Within five (5) years following the effectivity of this Act, the Agency vested to provide water supply and sewerage facilities and/or concessionaires in Metro Manila and other highly urbanized cities (HUCs) as defined in Republic Act No. 7160, in coordination with LGUs, shall be required to connect the existing sewage line found in all subdivisions, condominiums, commercial centers, hotels, sports and recreational facilities, hospitals, market places, public buildings, industrial complex and other similar establishments including households to available sewerage system, “ nakasaad sa naturang batas.
Batay sa desisyon ng SC, pinagmulta ang MWSS, Maynilad at Manila Water ng mahigit tig-P921.4 milyon. Binigyan sila ng 15 araw pagkatapos matanggap ang desisyon ng SC para tuparin ang kanilang obligasyon.
Nakasaad din sa desisyon na papatawan ng multa na P3,22,102 kada araw ang MWSS, Maynilad at Manila Water kapag nabigo ang kabuuang multa na hinihingi sa kanila dahil sa paglabag sa batas. (Juliet de Loza-Cudia)