Maynilad, MWC pigain sa kinubrang environmental fee – Tolentino

Naniniwala si administration senatorial bet Francis Tolentino na bigo ang dalawang pinakamalaking water concessionaire sa bansa sa obligasyon nitong magpatayo ng mga sewerage treatment plant.

Ayon kay Tolentino, hindi pa rin tumutupad hanggang ngayon ang Maynilad Water Service Inc. at Manila Water Company (MWC) sa obligasyon ng mga ito sa kanilang prangkisa na magpatayo ng mga sewerage treatment facility sa mga lugar na kanilang sineserbisyohan upang gawing malinis ang tubig na uma­agos sa mga imburnal at mga ­estero na itinatapon palabas ng Manila Bay.

Dagdag pa ni Tolentino, dapat din umanong ipa-audit kung saan napupunta ang mga sinisingil na environmental fee ng Maynilad at Manila Water sa kanilang mga consumer.