Nanindigan si dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na tuloy-tuloy na ipa­tutupad sa Maynila ang “clearing operation” at “zero vending policy” sa iba’t ibang panig ng Maynila.

Ito ang naging tugon ni Estrada sa kilos protesta ng daan-daang vendor na dumagsa sa Manila City Hall dakong alas-nuwebe ng umaga kahapon.

Dala ng mga vendor ang isang “mock coffin” na simbolo umano ng pagkamatay ng kanilang ikinabubuhay.

Nalaman na hanggang ngayon na lamang ang ultimatum na ibinigay ni Estrada sa mga street vendor para linisin sa obstruction ang mga kalsada.

Tiniyak ng alkalde na sa loob ng susunod na tatlong taon ay magtutuluy-tuloy ang kanilang ope­rasyon at maraming pagbabagong magaganap sa Maynila.

2 Responses

  1. mayor HI-rap- lalu mong pinatay ang kinukunan ng hanapbuhay ng mahihirap,
    sanay gumawa ka muna ng isang lugar na pwedeng pwestuhan ng mga yan, lalu lang dadami ang magnanakaw nyan dahil wala silang ibang hanapbuhay..
    gusto ko ng ginagawa mo, pero paano ang mga taong duon lang kumikita sa pagtitinda dahil kulang ang kanilang pera para pambayad sa pwesto!!!!

    1. kaso abala sila sa kalsada…. alin ba ang dapat pagmalsakitan ang iilan na nabuhuhay sa kalsada o ang mga maraming mamamayan na nahihirapan dahil halos wala na madaanan pag nasagi mo pa delikado pa buhay dahil sobra ang tatapang nila!!!