Mayor Isko nabiktima ng fake news

Umapela kahapon ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa publiko na beripikahin muna ang mga post sa social media bago i- share at i- post na maaring magdulot ng hindi magandang imahe ng Maynila.

Ayon kay Secretary to the Mayor Bernie Ang , sinabi niya ito matapos na i- share ng dalawang government official ang lumang video na nagpapakita ng masikip at maraming tao sa Divisoria nang hindi man lamang nagberipika.

‘Being government officials themselves, I’m certain they have ways to confirm with the camp of Mayor Isko if the said video is new or old. That way, they would have known that the video they posted or shared is way too old, ‘ ayon kay Ang.

Sinabi ni Ang na ang pagpapakalat ng fake news ay ipinagbabawal sa ‘Bayanihan We Heal As One Act’ at dapat na maging responsable ang lahat sa paggamit ng social media.

Nabatid na ginagawa lahat ni Manila Mayor Francisco `Isko Moreno’ Domagoso at ng mga city officials ang lahat para maiayos ang lungsod ng Maynila lalo na ang Divisoria.

Hinikayat ni Ang ang publiko na sa halip na makisangkot sa pagpapalaganap ng fake news dapat ay tumulong na lang sila kay Moreno sa pagsasaayos ng Maynila.(Juliet de Loza-Cudia)