Mayor Mabilog ayaw pabalikin ng Iloilo

Jed Patrick Mabilog

Nangangamba ang mga residente ng Iloilo City sa seguridad ni Mayor Jed Patrick Mabilog dahil sa kumakalat na balitang umano’y paglikida sa alkalde na kinakaladkad ni Pangulong Rodrigo Duterte na protektor umano ng mga sindikato ng droga.

Dahil sa banta sa buhay ng kanilang alkalde, kung gusto umano ng mga residente na huwag na munang umuwi sa Iloilo si Mabilog dahil posibleng matulad umano ito sa sinapit ng ilang lokal na opisyal na isinasangkot din sa droga at napatay ng pulisya kamakailan.

Nasa Japan sa ngayon si Mayor Mabilog at dumalo sa taunang kumperensya sa Community Based A­daptation on Resiliency in Disaster Management Coo­peration Agency na pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Ang pangamba ng mga residente ay bunsod ng ulat na pag-iikot ng tinatayang 30-katao sa Iloilo City at nagtatanong ukol sa mga aktibidad ni Mabilog.

Ayon kay Atty. Mark Piad, Information Chief ng Iloilo City Hall, natanggap nila ang impormasyon mula mismo sa mga residente ng lungsod at isa-isang lumalapit sa kanila ang taumbayan para ipagbigay-alam ang impormasyon tungkol sa bantang paglikida sa Alkalde.

Nilinaw naman ni Piad na gawa-gawa lang ang mga isyu sa kanilang alkalde at posibleng ang mga nagbibigay ng impormasyon sa Pangulong Duterte ay mga kalaban lang sa pulitika na hindi na naka-pwesto ngayon sa lokal na pamahalaan.