Mayor namudmod ng TV

Bigatin daw ngayon kung magbigay ng pa-raffle sa Christmas party itong alkalde sa Metro Manila.

Sa bawat solicitation letter ng mga lehitimong asosasyon sa nasasakupang lungsod, telebisyon daw ang binigay ni mayor.

Tuwang-tuwa tuloy ang mga tao sa binigay na pa-raffle ng alkalde, aba’y ang laki kasi ng diperensya sa binigay ng ibang lokal na opisyal.

May isang congressman kasi ang namimigay lang ng mumurahing electric fan sa mga asosasyong nag-solicit sa kanya.

Sa bonggang pa-raffle ni mayor, tiyak daw na mahahalal uli ito sa darating na halalan.

Clue. Ang alkalde na namudmod ng TV sa mga asosasyon ay may letrang N sa kabuuan ng kanyang pa­ngalan.