Ikinatuwa ni foun­ding chairman ng Hugpong ng Pagbabago Davao City Mayor Sara ang mainit na pagtanggap ng mga Ilokano sa kanilang mga senatorial candidates ngayong halalan.

Pabiro pang sinabi ni Sara na bilang mayoralty reelectionist ng Davao hindi na ito nakakapagkampanya sa Davao dahil mas nais nitong unahin na ikampanya ang kanilang mga kandidato sa pagka- senador sa napamahal na nitong lugar sa area ng Northern Luzon.

Kasabay nito pinarangalan naman si Mayor Duterte bilang adopted daughter ng Ilocos Norte kasabay ng isinagawang campaign rally sa Laoag City.

Kabilang sa mga senatorial slate ng Hugpong ay sina Governor Imee Marcos, Senadora Cynthia Villar, Congresswoman Pia Ca­yetano, dating Senador Jinggoy Estrada , dating Senador Ramon Bong Revilla Jr, Senador Joseph Victor Ejercito, Sonny Angara, Koko Pimentel, da­ting SAP Bong Go, da­ting PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa, Dong Mangundadatu , dating MMDA Chairman Francis Tolentino, at dating mamamahayag nasi Jiggy Manicad.

Bilang tumatayong campaign manager ng HNP inikot ni Mayor Sara ang Nor­thern Luzon kung saan nagmotor ang alkalde kasama ang ilang mga kandidato sa pagkasenador.