Mayor Sara nangampanya sa balwarte ni Mayor Olivarez

Mayor Sara nangampanya sa balwarte ni Mayor Olivarez

Pinangunahan ni Davao City Mayor at Hugpong ng Pagbabago founder Sara Duterte ang panunuyo sa mga botante nang magtungo ang mga kandidato sa kahapon nang umaga sa Parañaque City.

Bandang alas-otso nang umaga nang dumating si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang kanyang Bise Alkalde Rico Golez at ang 1st District Congressman Eric Olivarez at ang 2nd District Gus Tambunting at ang mga konsehal nang lungsod sa Olivarez College Auditorium sa Sucat nang nasabing lungsod.

Lahat din ng mga grupo ng HNP nasa senatorials candidate ay dumating din sa nasabing lugar.

Isa-isang nagsalita ang mga opisyales, konsehal at nagpahayag sila ng suporta sa nasabing grupo.

Ikinatuwa naman ni Olivarez ang ginawang pagsuporta sa kanila ng grupo at maging sila aniya ay makakaasa sila ng suporta.

Sinuportahan naman ng mga taga-Lungsod ng Parañaque ang grupo ng HNP sa kanilang pagtakbo at mainit naman silang tinanggap sa lungsod.

Sinabi naman ni Mayor Olivarez, na nasa 300,000 ang botante sa lungsod at makakaasa itoy magiging matiwasay ang gaganapin na halalan 2019.

Giiit pa ng alkalde na marami pa ring dapat na gawin para mas mapagaan pa ang buhay ng mga Pilipino.