Mayor Sara sa Otso: Huwag magpanggap na banal

Bumuwelta si Davao City Mayor Sara Duterte sa mga kritiko matapos umani ng batikos ang naging paha­yag nito na hindi dapat gawing isyu sa eleksyon ang katapatan.

Sinabi ng alkalde na ginawa niya ang kontrobersyal na pahayag upang tulungan ang mga ‘black hole’ candidate na maghukay sa sarili nilang butas.

Ayon kay Mayor Sara, hindi tama at mapanlinlang ang mga pahayag ng mga kalaban at hayagang nagsisinungaling ang mga ito kapag inaatake si Pangulong Rodrigo Duterte o kaya ang mga kandidato ng Hugpong ng Pagbabago.

Hindi aniya dapat magpanggap na banal ang mga kalaban ng administrasyon dahil taliwas ito sa ginagawa at ipinapakita sa publiko.

“I’m helping the Black Hole candidates dig themselves out of their own hole when I say honesty should not be an issue. They use inaccurate, misleading statements and even direct lies when they attack other candidates or President Duterte and they know they are stretching the truth and yet they deny that they are lying. That is the reason why they should not attack other­ candidates about honesty because they are themselves liars. And this is the truth. And this shows in their dismal performance in the race, people know they are not truthful,” ani Mayor Sara.

Sa ambush interview noong Miyerkoles sa Parañaque City, sinabi ni Mayor Sara na hindi dapat maging isyu sa mga kandidato ang honesty dahil lahat naman ay nagsisinungaling.