Nagsimula ang pagpapatibay ng alyansa sa pagitan ng Partido ng mga taga-Malabon na pinamumunuan ni Malabon City running Mayor Jeannie Sandoval at ng Hugpong ng Pagbabago caravan ni Davao City Mayor Sara Duterte sa Tuazon Avenue, Brgy. Potrero.

“Itong pag-iisa ng Partido ng mga taga-Malabon at Hugpong ng Pagbabago ay para sa pangarap nating pagbabago. Layunin nito na magbigay ng mapayapa at demokratikong uri ng pamumuhay para sa mamamayan na magkakatipan pagda­ting sa values, vision, at trust na adbokasiya natin para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Iisa tayo sa ating 
mithiing pagbabago kaya maraming salamat kay Mayor Sara sa oportunidad na ito,” ani running Mayor Jeannie Sandoval.
Ang Hugpong ng Pagbabago ay isang regional party na binuo ni Mayor Sara noong nakaraang taon upang pag-isahin ang mithiing pagbabago ng isang matatag na rehiyon, masiguro ang seguridad ng mga tao, maipagpatuloy ang good governance, at epektibong pamumuno.

Ang Hugpong ay kinabibilangan nina Senate re-electionists Edgardo ‘Sonny’ Angara, Pia Cayetano, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Koko Pimentel, Bong Revilla, at Cynthia Villar. Kasama rin ang mga bagong pa­ngalan sa lineup kagaya nina da­ting SAP Bong Go, dating PNP Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, da­ting MMDA chair Francis Tolentino, Rep. Zajid Mangudadatu, at dating reporter Jiggy Manicad.

Isang buwan matapos bumaba ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang pangunahan ang groundbreaking ng bagong lugar na pagtatayuan ng San Lorenzo Ruiz General Hospital sa Brgy. Panghulo, ikinagagalak naman ni Vice Mayor Jeannie ang pagsasagawa ng Hugpong sa Lungsod ng Malabon sa pangunguna ng Presidential daughter.
Ipinagmalaki rin niya ang importansya ng pagkakaisa sa ating bansa.

“Ang landslide win na nakuha ni Pangulong Duterte dito sa Malabon ay testimonya ng mga patuloy na naniniwala sa tunay na pagbabagong hatid niya,” dagdag pa niya.