Mayor Zamora nag-quarantine

Sumailalim sa 14-araw na quarantine si San Juan City Mayor Francis Zamora makaraang isa sa mga staff nito sa mayor’s office ang nagpositibo sa oronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa kasalukuyan ay wala umanong sintomas ang alkalde at patuloy na inaasakikaso ang nasasakupan habang siya ay nasa bahay.

“Mayor Zamora is in perfect physical condition and has no symptoms at all. He will continue to manage the day to day operations of the City of San Juan from home, most especially the medical and social aspects of our battle versus COVID-19,” sabi sa advisory.

Sa pinakahuling report noong Sabado , nasa 49 kaso ng COVID ang naitala sa San Juan City.