Upang mabawasan ang mga siksikang kulungan sa bansa, inirekomenda ng isang senador kay Pangulong Rodrigo Duterte na palayain na ang mga matatanda at may malubhang karamdaman na preso.
Basta’t hindi nasasangkot sa heinous crime, sinabi ni Senate minority leader Ralph Recto na hindi na magiging banta sa peace and order ang mga preso na matatanda na at may karamdaman.
Nangatuwiran pa ang senador na kung ang political prisoners nga ay balak palayain ng Pangulo, ano pa kaya ang mga preso na may kanser at malalang karamdaman at yaong mga matatanda na at uugud-ugod.
“President Digong can easily top. And he must use this power to forgive lonely, old, sick and infirm inmates who have paid their debt to society,” paliwanag ni Recto.