MBALA-AYO CONNECTION PAMATAY NG LA SALLE

Mbala at coach Aldin (@TheLaSallian)

Habang papalapit ang 79th season ng UAAP senior men’s basketball tournament, umaali­ngawngaw na bilang maagang paborito sa titulo ang De La Salle University Green Archers.

Bentahe ng Green Archers ang kanilang pambato na si Benoit ‘Big Ben’ Mbala, walang nabawas na mga matitikas na players at ang pag-entra ni champion coach Aldin Ayo na tumawid sa Taft matapos giyahan ang Letran sa NCAA championship noong nakaraang season.

Madaling nasanay si Mbala at ang Green Archers sa sistema ni Ayo, napatunayan ito ng magkampeon sila sa FilOil Flying V Preseason Premier Cup.

Pinataob ng La Salle ang Arellano U Chiefs 86-74 sa Finals ng FilOil, nangalabaw sa opensa si Cameroonian import Mbala sa nilistang 28 points, 26 rebounds at eight blocks, hinirang din siyang MVP.

Nasa roster pa rin ng Green Archers sina Je­ron Teng, Thomas Torres, Prince Rivero, Kib Montalbo, Andrei Curacut, J-boy Gob para tapatan ang defending champion Far Eastern University Tamaraws at runner-up University of Sto. Tomas Grow­ling Tigers na mga nabawasan na rin ng players.

Halos may tig-limang players ang nawala sa Tamaraws at Tigers kaya kahit makapasok sa Top Four ay paniguradong magiging dark horse sila sa laban.

Para kay Ayo, mahigpit pa rin ang magiging labanan dahil maraming coaches at players ang sumaksi sa FilOil para paghandaan ang collegiate league.

Malupit ang defensive skills ni Ayo kaya panigu­radong ito ang magiging sandata ng Green Archers para makuha muli ang titulo.