Mbala nalinya sa mga astig

Pag-angat ni Ben Mbala (kaliwa) ng La Salle ay halos sure-two na nang hindi mapigil ni Tzaddy Rangel ng NU. Pinana ng Archers ang pang-apat na sunod na panalo sa UAAP 79 nang kubabawan ang Bulldogs 75-66. (Patrick Adalin)

Si Ben Mbala ng La Salle ang Smart Player of the year sa Collegiate Basketball Awards kagabi sa Montgomery Place Social Hall sa E. Rodriguez Ave., Quezon City.

Tinanggap ni Came­roonian center ang prestihiyosong award mula sa scribes matapos bitbitin ang Green Archers sa kampeonato sa UAAP.

Pang-apat na player siyang nakatanggap ng nasabing parangal, nalinya na siya sa mga astig na sina teammate Jeron Teng, former Ateneo star Kiefer Ravena at da­ting Far Eastern University standout Mac Belo.

Sina Mbala at Teng ay kasama sa major ­awardees sa event na ­suportado ng Smart, ­Accel, Mighty Sports, MJM Production at Chooks to Go.

Bukod kina Mbala at Teng, nasa Mythical Five sina Allwell Oraeme ng Mapua, Jio Jalalon ng Arellano at Jayvee Mocon ng San Beda.

Coach of the Year sina Aldin Ayo ng La ­Salle at Jamike Jarin ng San Beda dahil sa paghahatid sa kani-kanilang teams sa kampeonato.