Mbala, Rivero ayaw bumigay

Hindi pinayagan nina Ben Mbala at ­Ricci Rivero na makadiretso ang Ateneo sa Finals ng UAAP Season 80 men’s basketball.

“All possible things we will do just to win,” wika ni La Salle head coach Aldin Ayo matapos ibalik sa lupa ng Green Archers ang Blue Eagles, 79-76.

“S’yempre in a right way,” dagdag nito.

Binulabog ni Mbala ang panlamang sanang tira ni Isaac Go, hinablot ni Rivero ang rebound at ibinaon ang panelyong two free throws.

“Coach said to me ‘Don’t quit on defense, if you give a shot make sure that that is the harder shot you will give to him’,” ani Mbala.

Wala nang timeout ang Ateneo, inapurang makatawid ni Thirdy Ravena at nagbalak tumira ng tres pero nandoon ang mahigpit na depensa ng Green Archers.

May pinagsamang 19 points sina Rivero at Mbala sa fourth, mas marami pa sa 13 lang na kinaya ng Eagles.

Natapos ang first half na lamang ang La Salle, 37-35, nai-convert nila sa seven points ang 15 turnovers ng Eagles. May 9 turnovers ang Archers sa yugto.

Sa unang 20 mi­nutes ay may combined 22 points sina Matt Nieto at Go kaya nanatili sa laro ang Ateneo habang si Ravena ay nag­hahanap pa ng butas para sa kanyang opensa.