McCoy ayaw palabhan ang bimpo ni Maricel

McCoy ayaw palabhan ang bimpo ni Maricel

Maituturing ng Kapamilya actor at Hashtag member na si McCoy de Leon na suwerte siya sa bagong henerasyon ng young stars dahil nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Hirit pa niya, taliwas daw sa napapabalita na nakakatakot at nakaka-intimidate katrabaho ang multi-awarded actress, iba raw ito sa naging karanasan niya.

Katunayan, naramdaman daw niya na ang pagiging ina nito sa kanya dahil may pagkakataon daw na hindi niya malilimutan na dahil madalas siyang nagpapawis, lumapit daw ito para punasan ang kanyang likod ng bimpo.

Dahil doon, sobra raw na-appreciate niya ang gesture nito.

Iyon nga raw bimpo na ibinigay sa kanya ng aktres ay iniingatan niya at ayaw pa niyang palabhan dahil itinuturing daw niya itong ‘recuerdo’ mula sa kanyang Inay Mary (Maricel).

Itre-treasure rin daw niya ang experience na makatrabaho ang isang iconic actress na naging anak na rin ang turing sa kanya.

Papel ng kaibigan ni Guia (Janella Salvador) na handang protektahan siya sa lahat ng pagkakataon ang role ni McCoy sa “The Heiress”. Palabas na sa mga sinehan simula sa Nobyembre 27. (Archie Liao)