Nali-link ngayon si Elisse Joson sa kasamahan ni ­McCoy de Leon sa Hashtags na si Jameson Blake. Si Elisse ay ex-girlfriend ni McCoy.

Hindi ikinakaila ng ­aktor na nu’ng simula ay tila nakakaramdam ­umano siya ng pagkaasiwa sa sitwasyon pero isinantabi umano niya ito alang-alang sa kanilang pagkakaibigan.

Hindi malinaw kung nasa stage ng girlfriend-boyfriend relationship na sina Elisse at Jameson. Pero mukhang tanggap na ni McCoy na malabo na silang magkabalikan pa ng kanyang dating kasintahan.

Michael de Mesa bilib kay Coco

Sobra ang paghanga ng award-winning ­veteran actor na si Michael de Mesa sa ­actor-director na si Coco Martin.

Sa presscon ng upcoming movie na “Marineros: Men In the Middle of the Sea” na pinagbibidahan mismo ni Michael mula sa direksyon ng actor-director na si Anthony Hernandez, ibinahagi ng aktor ang pagiging passionate ni Coco sa kanyang trabaho­ at pagiging matulungin nito sa mga co-actor lalo na ‘yong walang mga trabaho.

Supposedly ay tatlongOaraw lang daw ang ­appearance niya sa “FPJ’s Ang Probinsyano” pero ­umabot na siya ng tatlong taon sa serye. Malaki ang ­pasasalamat niya kay Coco na nagtagal siya sa serye lalo’t ­pamilya na umano ang turingan nila sa set.

Bukod sa pagiging co-actors sa “Ang ­Probinsyano,” may mga pagkakataon ding hinahayaan ni Coco si Michael na siyang magdirek ng ilang eksena sa ­serye. Ina-appreciate niya ang bagay na ito.

Showing na sa September 20 ang ­pelikulang “Marineros: Men in the Middle Sea” na joint ­production ng Golden Tiger Films and Premier Dreams Productions.