McCullough nagparamdam uli sa Gilas

Hindi pa rin nakaka-get over si Chris McCullough sa Philippine basketball.

Sa kanyang tweet, muling nagparamdam ang dating San Miguel Beer import sa kagustuhang irepresenta ang bansa sa Gilas Pilipinas.

Isang digital art kung saan nakasuot siya ng Gilas jersey ang tweet ng 2019 PBA Commissioner’s Cup champion para ipakitang hindi pa rin nawawala sa kanyang interes ang PH 5.

Sa kanyang pinned tweet, Pilipinas pa rin ang topic, pagpapakita kung gaano kadedikadong maging naturalized player ng Pilipinas.

Pero nanatiling patay-malisya pa rin si Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Alfredo Panlilio sa papansin ng 25-year-old, 6-9 American center-forward. (Raymark Patriarca)