Niyanig ni Conor McGregor ng Ireland ang mundo ng mixed martial arts kahapon.

Ipinahayag ng reigning Ultimate Fighting Championship (UFC) welterweight king ang pangatlong pagkakataong pagreretiro sa loob ng apat na taon sa kanyang Twitter account.

“Hey guys I’ve decided to retire from fighting,” bulalas ni McGregor sa nilagay na caption sa larawang kasama ang ina. “Thank you all for the amazing memories! What a ride it’s been!”

Unang may ganireng anunsiyo ang 31-year-old Irish superstar at former two-division UFC titlist sa mga taong 2019 at 2016.

Kagagaling lang din ni McGregor (22-4) sa first-round stoppage kay Donald “Cowboy” Cerrone ng USA sa UFC 246 fight noong Enero. (RC)