Kasunod ng pahayag ni United States (US) Secretary Michael Pompeo ukol sa kahalagahan ng press freedom sa Pilipinas, sinabi ng political analyst at University of the Philippines Professor Clarita Carlos, na malaya ang mga mamamahayag sa bansa.

“As you can see in all media, in social media, in print, broadcast, in radio, one can use all sorts of bad things to the President and other leaders and one does not go to jail. I’m sure they cannot do that in other countries,” ani Carlos.

Sa pagbisita ni Pompeo sa bansa noong Biyernes para sa pulong kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., sinabi nitong importante ang pagprotekta sa mga karapatan at kalayaan ng mga Pilipino, kabilang ang kalayaan sa pagpapahayag at due process sa ilalim ng batas.

Noong Pebrero, matatandaan na nagpalabas ng pahayag ang US embassy kaugnay ng pagkakaroon ng due process sa kasong cyber libel laban kay Rappler chief executive officer Maria Ressa.

Kaugnay nito, sinabi ni Carlos na ang kaso ni Ressa ay may maliit lamang na magagawa sa press freedom ngunit may malaking magagawa naman sa organisasyon.

“I think you should point that out to foreign people who are making that kind of remarks,” saad pa ni Carlos.