Medialdea OIC sa Palasyo

Aaktong officer-in-charge (OIC) ng bansa si Executive Secretary Salvador Medialdea sa loob ng tatlong araw habang nasa Japan si Pangulong Rodrigo Duterte simula October 21-23.

Nakapaloob ito sa Special Order No. 1125 na inilabas ng Malacañang at pirmado ni Pangulong Duterte.

Layon ng pagiging OIC ni Medialdea na magtuloy-tuloy ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno at mapangasiwaan ang pang-araw-araw na operasyon ng Office of the President at ng buong Executive Department.

“The Executive Secretary shall act as officer-in-charge to take care of the day-to-day operations in the Office of the President and to oversee the general administration of the Executive Department, and he shall, if necessary, act for and on behalf of the President, except on matters that the President is required by the Constitution to act in person, during the time that the President is outside the Republic of the Philippines from 21 to 23 October 2019,” anang special order.

Inaatasan ang lahat ng departamento at ahensiya ng gobyerno na alalayan si Me­dialdea para magawa ang iniutos sa opisyal.

Ang Pangulo ay isa sa mga naimbitahan ng gobyerno ng Japan para sumaksi sa pagbaba sa trono ni Emperor Naruhito. (Ailee­n Taliping)