Medical marijuana siguraduhing ‘di maaabuso ng mga adik

Tiniyak ng isa sa mga kongresista na nag-akda ng Medical Cannabis bill na kargado ito ng mga probisyon para hindi maabuso at pagpiyestahan ng mga adik.

Nitong Miyerkoles, Enero 23, ngayong taon ay inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikalawang pagbasa ang House Bill No. 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.

Ayon kay Kabayan Party-list Rep. Ron Salo, hindi magiging available ng ‘over the counter’ sa publiko ang medical cannabis.

“This measure that the House unanimously approved on 2nd reading shall provide compassion and better quality of life to patients suffering from debilitating medical conditions such as: cachexia, seizures, including those characteristic of epilepsy; or severe and persistent muscles spasms, including those associated with multiple sclerosis,” pahayag ni Salo.

Sapat aniya ang ‘safeguard’ na ikinamada ng Kamara para maiwasan ang pang-aabuso.

“The only places where pres­cribed medical cannabis will be available are DOH hospitals, tertiary hospitals, and private hospitals licensed for medical cannabis purposes. The only people who can issue prescriptions for medical cannabis are licensed doctors authorized by the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) to issue prescriptions for medical cannabis,” paliwa­nag ni Salo.

Ang mga awtorisado at lisensyadong doktor lamang ang makapagrereseta ng medical cannabis para sa partikular na kondisyon alinsunod sa magi­ging diagnosis ng mga eksperto.

Magkakaroon din ng licensed medical cannabis caregiver na iisyuhan ng special identification card ng kalihim ng Department of Health (DOH).