Nakabawi agad si Josephine Medin­a kay Aida Husic Dahlen ng Norway sa 31-minute quarters match, 11-5, 3-11, 7-11, 11-2, 11-8, kahapon para manati­ling medal contender sa 15st Summer Paralympic Games 2016 table tennis wo­men’s singles class 8 sa Riocentro Pavi­lion 1 sa Rio de Janeiro.

Unang tumaob ang 46-year-old Oas, Albay native at nasa second straight niyang Paralymics kay Jiangdian Mao ng China sa loob lang ng 16 minutes 11-3, 11-4, 11-6, para malagay sa must-win si­tuation sa Group B.

Kapaluan niya sa semifinals Lunes ng alas-nuwebe ng umaga oras sa Maynila si Thu Kamkasomphou ng France para sa isang silya sa finals. Kung mabibigo, sa bronze medal game na siya mala­lagak.

Salto sina Ernie Gawilan sa swimming (men’s 400m freestyle S8) at Jer­rold Peter Mangliwan sa athletics (men’s 100m dash T52) sa nakaraang apat na araw ng 161-nation, 12-day quadren­nial games.

Kakampay pa si Gawilan sa 100m free S8 at 400m backstroke.