Meg bagong ST Queen

Rey Pumaloy

Nagbabanta si Meg Imperial sa mga nag­lipanang mga bikini bodies sa panahon ngayon ng summer.

Ginulat ni Meg ang mga follower niya sa Instagram sa paglalantad niya ng kaseksihan.

Marami ang humanga dahil may ilalabas naman ang kaseksihan ni Meg.

At may ilalaban din naman ang kanyang katawan.

Kung pagandahan din naman, lalaban dito si Meg.

Kung pakinisan ng balat, winner na siya dito.

‘Di ba, sa presscon ng “Abay Babes” runaway winner si Meg sa mga co-stars niya voted as the pinakamakinis na aktres sa kanila nina Roxanne Barcelo, Nathalie Hart, Kylie Versoza at Cristine Reyes.

Kung palakihan lang naman ng boobs, hindi pahuhuli sa kategoryang ito si Meg.

Ang huling pelikulang nagpasilip siya ng kanyang bikini body ay sa Abay Babes.

Pero nakakaintriga naman kung bakit ngayon lang naglalantad ng katawan si Meg.

Sa social media natin masisilip ang kaseksihan ni Meg.

Dito muna siya maglalandi dahil bakasyon mode muna ang aktres.

Mas nagpo-focus siya ngayon sa pag-aral ng culinary at sa kanyang lumalagong business.

Pero nangako naman si Meg na babalik sa acting matapos ang Holy Week.

Ang tanong sa kanyang pagbabalik mas magiging­ mapangahas at mas matapang nang maghubad si Meg?

Siya na ba ang susunod “ST” (Sex Trip) Queen na ikinabit kay Gretchen Barretto?

Abangan na lang natin sa kanyang pagbabalik si Meg.

Sa ngayon, pagpantasyahan muna ng mga barako ang kanyang alindog sa social media.­