HAVEY na havey ang recent episodes ng D’ Originals.
Nakaka-relate ang viewers sa friendship nina Josie (Jaclyn Jose), Sofia (Kim Domingo), at Marge (LJ Reyes).
Kaya lang, kung anong good vibes ang ibinibigay ng tatlo ay grabeng bad vibes naman ang dala ng mga kabit na sina Yvette (Katrina Halili), Alice (Meg Imperial), at Cristina (Lovely Abella).
Mabuti na lang, marunong rumesbak ang mga Orig!
Kailan kaya matatauhan ang mga hitad na escabeche na bad ang mang-agaw?
***
Nakakagigil din nang bonggang-bongga ang hitad sa Ika-6 Na Utos… si Georgia (Ryza Cenon)!
Bubog si Ryza sa pag-ibig nina Rome (Gabby Concepcion) at Emma (Sunshine Dizon).
Hanggang kailan siya magiging hadlang sa pagbabalikan ng dating mag-asawa?
Ang sarap ingudngod ni Georgia sa inidoro!
Ingudngod ‘yan nang paulit-ulit!
‘Di ba, Leklek Tumalad alyas Virginia Pakakak?!