BIBIGYANG-BUHAY ni Meg Imperial ang kuwento ng isang OFW na naging sex worker sa Tadhana bukas (Sabado), pagkatapos ng Ika-6 na Utos sa GMA-7.
Inalok si Abbie (Meg) ng isang recruiter para magtrabaho bilang waitress sa Sabah, Malaysia.
Naakit si Abbie sa ipinangakong malaking sweldo.
Kailangan kasi niyang ipaopera ang kanyang anak na may butas ang puso.
Kasama ng iba pang na-recruit na babae mula sa Indonesia, Vietnam, at Malaysia, ikinulong si Abbie sa isang casa.
Pinilit silang magtrabaho bilang sex workers sa sindikatong pinamumunuan ni ‘Mr. Lee’ (Pen Medina) sa Kota Kinabalu.
Limang lalaki ang quota ni Abbie araw-araw sa trabaho.
Nilunok niya ang kahihiyan at respeto sa sarili para kumita ng pera.