Tapos na ang konstruksiyon ng mega drug rehabilitation sa Nueva Ecija na pagkakanlungan ng libu-libong drug users na una nang sumuko sa pamahalaan.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial sa isang press conference, kasabay ng pahayag na puspusan na ang isinasagawang recruitment para sa may 2,000 human personnel na gagamiting front liner sa itinayong mega drug rehabilitation center.
“DOH reiterates it’s call that the drug users or dependants are not the enemy, they are the victims of drug trade,” ayon kay Ubial.
Sa sandaling maging operational na ang mega drug rehabilitation pagkakakalooban ng libreng transportation service ang mga kamag-anak ng mga drug dependent na ipapasok sa lugar.