Hindi na pinatuloy ni Megan Fox ang divorce case nila ng asawa at kapwa celebrity na si Brian Austin Green.

Nag-file si Megan para ma-dismiss o balewalain ng korte ang kaso ng diborsyo na nai-file niya laban sa asawa noong Huwebes.

Mukhang tama ang naging desisyon niya dahil kitang-kita sa kanyang aura ngayon ang labis na kasiyahan. Abot hanggang tenga ang kanyang ngiti kasama ang mga kaibigan sa Calabasas noong Sabado nang lumabas sila.

Batay sa impormasyon, nagkasundo sina Fox at Green sa loob ng tatlong taon mula nang maki­paghiwalay ang 32-year-old actress/model na mu­ling buuin ang kanilang pamilya.

Matatandaang, taong 2015 nang magdesisyon si Fox na bitiwan na ang five years of marriage sa 45-year-old actor dahil sa irreconcilable diffe­rences nilang dalawa. Gayunman, nakabuo pa ang mga ito ng third baby at nagkabalikan noong sumunod na taon. Sa ngayon ay anim na taong gulang na ang panganay nila na si Noah, five years old naman ang baby no. 2, at two years old ang bunso. Napag-alamang binatilyo na ang anak ni Green sa dating karelasyon.

Sina Megan at Brian ay labing-isang taon nagsama bilang mag-asawa bago ang kanilang nakakagulat na hiwalayan noong 2005.

Bago ito, ang kanilang relas­yon ay dumaan sa maraming pagsubok kung saan pagkatapos lamang ng tatlong taon nilang pagsasama ay gusto nang makipaghiwalay ni Megan na asawang aktor noong 2009.

Muling nag-propose si Fox noong 2010, kulang isang buwan bago sila nagpakasal sa Hawaii.

Nagkakilala ang dala­wa taong 2004 nang magkasama sila sa isang episode ng ABC sitcom Hope & Faith. Noong Mayo 2016, nagbuntis si Fox sa ikatlo nilang anak ni Green matapos makumpirmang nagkasundo silang muling magsama ni Brian. Ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang masayang pagsasama kung saan pinili nilang balikan ang lugar kung saan sila nagpakasal noong 2010 sa Kona, Hawaii.

“It’s all little bungalows and it feels more private and more island-like,” dagdag impormasyon ni Megan.

“You can spend a lot of time walking and exploring the island, and you don’t feel like you’re on a tourist­ retreat. And it’s only five, six hours from L.A. instead of flying 14 hours, [so] I could handle the flight time,”sabi pa ni Megan na halatang masaya sa naging desisyon nilang muling buuin ang kanilang pamilya. (Lourdes Fabian)