Inaabangan na ang pagsusuot ni Megan Young ng bikini ngayong summer. Marami ang nasasabik na muling masilip ang seksi niyang katawan.
Sa fashion week ng isang produkto ay may caption siyang summer vibes sa kanyang photo na makikita ng kanyang abs at tiyan.
Puring-puri ng netizens ang hubog ng kanyang katawan. Narito ang ilang reaksyon nila.
“Kaloka ang waist.”
“Guuuuurl your body is insaaannneee”
“wish ko lang ganyan ang abs ko.”
“Queen of abs!Grabe! Wish I have abs that firm and perfect waist.”
“I envy the abs”
“ganyang bewang bet”
Anyway, ang kaseksihan ni Megan ay napapanood din sa pinagbibidahan niyang afternoon serye sa GMA 7 na The Stepdaughters. Kasama niya rito sina Mikael Daez at Katrina Halili.
Dapat daw ay may eksena sila ni Katrina na nagpapatalbugan ng swimwear habang nagmumurahan at nagsasabunutan.
Bukod sa umaatikabong tarayan nila, tutok na tutok ang lahat sa GMA tuwing hapon dahil sa nakakakilig na love story na nabubuo kina Mayumi (Megan) at Francis (Mikael).
Kapansin-pansin kasi ang spark sa dalawa na kita rin sa mga social media posts nila together.