MAY pagka-Miss World ang pedia­trician role ni Megan Young na si Sarri sa Alyas Robin Hood kaya excited siya rito.

May charity works ang doktorang si Sarri at mahilig ito sa mga bata.

In real life, Megan really­ loves kids. Pero hindi niya pa bet magkaroon ng sarili­ niyang anak at this point in time.

“Probably not anytime soon. Ha! Ha! Ha! Kailangan married muna,” bulalas ng Miss World 2013, na makakapareha ni Dingdong Dantes sa bagong action-drama series ng GMA.

Honored si Megan na binigyan siya ng GMA ng project with the Kapuso Primetime King, tapos ay kasama pa sa cast sina Jaclyn Jose, Cherie Gil at Sid Lucero, kaya mas ipu-push niya ang sarili niya to better.

Masaya ang mga eksena nila ni Dong dahil ang batuhan nila ng mga linya ay very conversational­ na parang nag-uusap lang sila.

Mikael Daez
Mikael Daez

Hindi pa sure si Megan kung magkakaroon sila ng love scenes ni Dong sa Alyas Robin Hood dahil mas focused ito sa action-drama aspect.

Sey ng 26-anyos na beauty queen, may nagawa siyang sensitive scenes sa Marimar, pero inalalayan siya ni ­Direk Dominic Zapata.

Aniya, alam nito na artista siya, pero they have to meet halfway dahil meron din siyang endorsements at iba pang concerns.

May tiwala siya kay Direk Dom na direktor din ng Alyas Robin­ Hood so if ever may love scenes sila ni Dong ay alam niyang hindi siya nito pababayaan.

Aminado si Megan na wini-wish din niyang makapareha ang nobyo niyang si Mikael Daez.

Nasa network daw ang desisyon na ‘yon at nasa right timing na rin at right project.

Mas at ease na nga­yong pag-usapan ni Megan­ si Mikael dahil mas open na silang dalawa, unlike noon na pa­nay ang tanggi nila at iwas ‘pag natatanong.

Mas chill na sila ngayon, kaya sa Instagram ay mas nakakapag-post na sila pareho freely.

Pero kini-keep pa rin daw nila ‘yung private aspect dahil ganu’n talaga ang gusto nilang dalawa.

In fairness ay six years na pala ang rela­syong Megan-­Mikael. Ang secret­ kaya sila tumagal ay dahil very quiet sila pareho and they stick to people who bring out the best in them.

Ang pinakagusto ni Megan kay Mikael ay kakaiba ‘yung outlook nito in life. As in sobra raw silang opposite, pero nakikita niyang may valid points si Mikael.

Marami na silang biyahe together abroad. Isa sa most memorable for Megan­ ay ‘yung trip nila to South Africa.

It’s one of her dream destinations kasi, atsaka hindi siya nakapunta doon nu’ng time niya as Miss World.

So, dream come true for Megan na nag-safari sila ni Mikael, nag-hiking at nature travel na sobra niyang na-enjoy.

Ang perennial partner ni Mikael na si Andrea Torres ang makaka-love triangle ni Megan kay Dingdong sa Alyas Robin Hood, na papalit sa magtatapos nang Descendants of the Sun sa GMA.